1,912 ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) sa bansa.
Bunga nito, pumapalo na sa 494,605 ang COVID cases sa bansa kung saan ang aktibong kaso ay 25,614 o 5.2%.
746 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 459,252 o 92.9%.
40 naman ang bagong nasawi kaya ang total deaths na ay 9,739 o 1.97%.
Nangunguna ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Quezon City, Agusan del Sur, Dagupan City at Cavite.
Samantala, muling nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mataas na bilang ng COVID cases sa mga Pinoy sa abroad.
120 ang naitala ngayong araw ng DFA na new cases kaya ang total cases na ay 13,498.
Ang aktibong kaso naman ay 3,978.
Wala namang bagong recoveries at wala ring bagong binawian ng buhay.
Bunga nito, nananatili ang total recoveries sa 8,585 habang ang total deaths ay nananatili sa 935.