Makati City, nananatiling pinakamayamang LGU sa buong bansa

33
Photo Courtesy: My Makati Facebook Page

Ipinagmalaki ni Makati City Mayor Abby Binay na muling nasungkit ng lungsod ang pinakamayamang Local Government Unit (LGU) sa buong bansa na may kabuuang assets na mahigit sa ₱233 bilyong piso.

Ito ang ikatlong taon na nanguna ang Makati City.


Paliwanag ng alkalde sa kanyang tweet na ang mga residente ng Makati City at lahat ng stakeholders ng lungsod ay nararapat lamang sa naturang parangal o credits.

Samantala, sumunod sa Makati City ang Quezon City (QC) na may mahigit ₱96 bilyon, Maynila na may ₱64 bilyon, pumapangatlo ang Pasig na may kabuuang assets na mahigit ₱45 bilyon, sinundan ng Taguig na mahigit ₱29 bilyon, Caloocan na may mahigit na ₱20 bilyon at Pasay na may mahigit ₱19 bilyon piso.

Facebook Comments