
Umabot na sa 1,870 na Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga barangay na naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao Oriental nitong October 10.
Kung saan 200 na FFPs ang naibigay sa barangay central sa Manay habang 1,670 naman ang naiparating sa Barangay San Antonio, Cateel.
Ang mga naturang food packs ay karagdagang pagkain sa mga residente habang patuloy na bumabangon mula sa pinsalang dulot ng lindol.
Samantala, patuloy naman ang relief operations ng DSWD Field Office Region 11 sa mga komunidad sa lalawigan upang matiyak na may sapat na pagkain at agarang tulong na natatanggap ng mga residente.
Facebook Comments









