Halos 2,000 indibidwal, nabigyan na ng 1st dose ng COVID-19 vaccine na pinag-aaralan sa bansa

Tinatayang 1,921 indibidwal na kasama sa World Health Organization (WHO) solidarity trial ang nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine na pinag-aaralan sa bansa.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara, nasa 248 participants naman ang nakakumpleto na ng dalawang dose.

Aniya, anim na hospital at community-based sites ang nagsasagawa ng solidarity trial at patuloy ang kanilang recruitment.


Sa ngayon, wala aniya ang nakapagtala ng adverse effects sa mga kasali sa nasabing solidarity trial.

Facebook Comments