Pinoy na 6 na beses nagnegatibo sa COVID-19 sa Hong Kong, nagpositibo sa virus matapos ang 3 linggong quarantine

847

Matapos ang anim na beses na pagnenegatibo sa COVID-19, nagpositibo sa Coronavirus ang 30-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Hong sa ika-pitong swab test.

Lumabas ang positibong resulta ng swab test ng Pinoy domestic worker nang makumpleto niya ang 21-na araw na quarantine doon.

Nangyari ito nang ilipat siya ng hotel ng kaniyang employer sa Hong Kong.


Ang naturang OFW ay fully vaccinated nang umalis ng Pilipinas kung saan siya ay naturukan ng Moderna.

Siya ay dumating sa Hong Kong via Cathay Pacific flight.

Facebook Comments