Halos 2,000 jobseekers, natanggap sa kanilang trabahong inaplayan sa online job fair

Umabot sa halos 2,000 jobseekers ang hired-on-the-spot sa isinagawang online job fair.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, aabot sa 1,900 ang nagkaroon ng trabaho at magandang resulta ito.

Ang application ng iba pang aplikante ay patuloy na ipinoproseso.


Aabot sa 21,000 na local at overseas jobs ang available sa online job fair.

Nitong December 8, ipinagdiwang ang 87th anniversary ng Department of Labor and Employment (DOLE) at bahagi ng selebrasyon ay ang online job fair.

Ang virtual job fair system ay alinsunod sa government restrictions sa mass gatherings.

Isinagawa ang job fair noong December 10 at 11.

Facebook Comments