Halos 430,000 Pilipino, sumailalim sa COVID-19 swab tests nitong Disyembre

Umabot na sa halos 430,000 na Pilipino ang sumailalim sa swab tests para sa COVID-19 para sa buwan ng Disyembre.

Ito ay may kinalaman sa kanilang nakatakdang pagbiyahe pauwi sa kanilang home provinces ngayong holiday season.

Sa datos, aabot sa 425,799 ang sumalang sa RT-PCR tests ngayong buwan.


May ilang testing facilities ang nagsimulang mag-alok ng holiday promos sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga magpapa-test.

Ang ibang health facilities ay nag-aalok ng home at drive-thru testing.

Matatandaang itinakda ng pamahalaan ang swab test price cap sa 3,800 pesos sa public laboratories at 5,000 sa pribadong pasilidad.

Facebook Comments