Halos 2,000 kawani ng Hudikatura, tinamaan ng COVID-19

43

Umabot na sa 1,994 na mga kawani sa Hudikatura ang tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo, sa nasabing bilang 1,846 na ang mga gumaling.


Habang 115 pa ang patuloy na nagpapagaling at 33 ang mga binawian ng buhay.

Ang mga empleyado aniyang tinamaan ng virus ay mula sa Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at trial courts sa bansa.

Tiniyak naman ni CJ Gesmundo na nakalinya na rin sa vaccination ang judiciary employees bilang A4 members.

Mayroon ding alok na pinansyal na ayuda ang Hudikatura para sa mga hukom at kawani na na-ospital dahil sa COVID-19.



Facebook Comments