Mahigit 700 na mangingisda, tumanggap ng ayudang pinansyal mula sa BFAR

32

Nasa 702 na mga rehistradong mangingisda sa Navotas ang nabigyan ng ayudang pinansyal mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Tig-P5,000 cash voucher ang tinanggap ng mga benepisyaryo na maaari nilang makuha sa MLhuiller hanggang June 13, 2021.


Kabilang sa mga nabigyan ng voucher ay ang mga benepisyaryong wala pang nakukuhang ibang ayuda mula sa pamahalaan.

Ang mga benepisyaryo ay pinili ng BFAR ayon sa resulta ng kanilang crossmatching.

Facebook Comments