May 1,971 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang inilipat ng assignment ngayong eleksyon 2022.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, inilipat ng assignment ang mga pulis na ito dahil may mga kamag-anak silang tumatakbo sa eleksyon na sakop ng kanilang area of responsibility.
Layunin ng hakbang na ito ng PNP ay para matiyak na magiging ‘nonpartisan” o walang kinikilingan ang mga pulis sa pagganap sa kanilang trabaho.
Samantala, sinabi naman ni Fajardo, na bukod sa 1,971 na mga pulis na inilipat ng assignment, mayroon ding 147 field commanders ang inalis sa pwesto at inilipat din ng unit.
Aniya, walang kamag-anak ang mga opisyal na inalis sa pwesto ngunit dahil mahigit isang taon na sila sa kanilang unit kaya inilipat sila sa ibang unit.