Halos 2,000 MMDA Personnel, ipapakalat kasabay ng pagho-host ng Pilipinas sa Sea Games

Magpapakalat ang MMDA ng halos 2,000 tauhan nito sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila upang manduhan ang trapiko kasabay ng pagho-host ng Pilipinas sa 30th Souteast Asian Games.

Inaasahang libu-libong Atleta, Sports Officials, Coaches, Spectators, at guest ang dadating sa Sports at Non-Sports Venues.

Ayon sa MMDA, magbibigay sila ng Motorcycle at Mobile Car Escorts, Ambulances, tow trucks at pagbabantay ng road activities.


Ipapatupad din ang stop and go Traffic Scheme sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada upang bigyang daan ang convoy ng mga sasakyan.

Patuloy ding nagsasagawa ang MMDA ng Clearing Operations laban sa mga obstruction sa kalsada.

Katuwang ng MMDA ang Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC), PNP, LGUs, Government Agencies at Stakeholders.

Facebook Comments