Halos 2,000 reklamo hinggil sa overspending ng mga kandidato sa nakalipas na halalan, inihain sa COMELEC

Kinumpirma ng Commission on Election (COMELEC) na umaabot sa 1,954 ang reklamo hinggil sa overspending ang kanilang natanggap.

Ayon sa poll body, 370 sa mga ang resolved na with finality.

Habang 544 naman na disqualification cases ang naihain sa Komisyon at 206 dito ang resolved with finality.


Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco, ang mga respondent sa nasabing kaso ay nabigong maghain ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCE) sa mga nakalipas na halalan.

Facebook Comments