Halos 20,000 indibidwal sa NCR, inilikas dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Ulysses

Umabot na sa 4,569 families o 18, 308 indibidwal ang inilikas mula sa kanilang bahay matapos na makaranas ng pagbaha sa ilang lugar sa National Capital Region (NCR) dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Ito ang iniulat ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson Pol. Col. Ysmael Yu, ang mga inilikas ay nadala na ngayon sa 643 evacuation centers sa NCR.


Batay pa sa monitoring ng PNP, mayroong 203 indibidwal sa NCR dahil sa nararanasang pagbaha bunsod ng walang patid na pag-ulan.

As of 12:00 noon, walang naiulat na nasawi, nawawala o sugatan ang PNP.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang rescue operation ng PNP sa mga lugar sa NCR na matinding binaha.

Facebook Comments