Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na 193,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Pfizer ang dadating sa bansa sa Lunes.
Ayon kay Duque, ang naturang mga bakuna ay gagamitin sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao at sa iba pang mga lungsod na may kakayahan para sa storage temperature ng bakuna na negative 70 degrees celsius.
Kinumpirma rin ni Health Secretary Francisco Duque na inatasan na niya ang Department of Health (DOH) na maghain ng Emergency Use Authorization (EUA) application para sa Sinopharm.
Ito ay para hindi na aniya ibalik ang naturang COVID-19 vaccines na donasyon ng China sa Pilipinas.
Sa ngayon, mahigit 7.5-million doses na ng COVID-19 vaccines ang kabuuang dumating sa bansa.
Facebook Comments