Sapilitang pinalikas na ang halos 200,000 na mga residente dahil sa malawakang wildfire sa Southern at Eastern Region ng San Francisco, California.
Ito ay dahil nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pag-apula sa apoy sa tulong ng mga helicopters mula sa iba’t-ibang grupo.
Ayon kay California Governor Garvin Newsom, tuloy-tuloy pa rin ang pagresponde ng iba pang mga estado sa Amerika tulad ng karagdagang bumbero, makina at mga surveillance planes.
Dagdag pa ni Newsom, umapela na rin sila ng tulong sa gobyerno ng Canada at Australia para tuluyan nang maapula ang malawakang sunog sa kanilang estado.
Sa ngayon, nasa mahigit 12,000 na mga bumbero ang kanilang ipinakalat para mapatay na ang apoy.
Sa huli tala, anim na ang nasawi sa naturang insidente, nasa mahigit 500 na mga struktura ang nasira kabilang na ang mga bahay habang 43 na sibilyan at fire fighters ang nasugatan.
Sa kabila nito, ipinapanalangin at umaasa ang mga residente na makokontrol na ang nasabing sunog dahil maging ang mga operasyon laban sa COVID-19 sa nasabing bansa ay apektado na rin.