Pumalo na sa 22, 874, 013 o 29.65% ng kabuuang target population sa bansa ang nabigyan na ng 2nd dose o mga Filipino na fully vaccinated na mula noong Oktubre 7, 2021.
Sa datos na iprinisenta ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, mula sa National COVID-19 Vaccination dashboard 26, 051, 503 naman ang nakatanggap na ng 1st dose ng bakuna o 33.77%
Ito ay mula sa 48,925,516 kabuuang doses ng mga bakuna na naiturok na.
Samantala, tumaas naman sa 534, 697 ang average daily jabs ang naitatala.
Sa Metro Manila naman, 8,881,768 o 90.85% ng kabuuang target population ang nakatanggap na ng 1st dose habang nasa 7,525, 021 o 76.97% ang mga fully vaccinated mula sa 16,406,789 doses ng bakuna na na-administer kung saan umaabot sa 89, 683 ang average daily jabs ang naitatala sa kalakhang Maynila.