Halos 24 na milyong estudyante, nakapag-enroll na – DepEd

115

Umabot na sa 23.9 million na estudyante ang nakapag-enroll para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na katumbas ng nasabing bilang ang 86.8% ng 27 million enrollees noong nakaraang taon.

Ang bilang ng mga mag-aaral na nag-enroll sa public schools ay 97.33% ng 2019 enrollment o 21.9 million enrollees.

Sa private school naman ay nasa 1.89 million o 43.98% ng enrollment rate noong nakaraang taon.

Una nang sinabi ng DepEd na inaasahan nilang mababa ang bilang ng mga mag-e-enroll ngayong taon dahil maraming pamilya ang nahihirapan dahil sa epekto ng pandemya.

Facebook Comments