Halos 240 na katao, na-food poison sa birthday party ni Imelda Marcos

241
via RMN Files

Sa selebrasyon ng ika-90 na kaarawan ni Imelda Marcos, halos 240 na katao ang naiulat na na-food poison o sumakit ang tiyan dahil umano sa adobo na may patatas at itlog na handa sa party ginanap ang party sa Ynares Sports Complex sa Pasig Cuty noong Lunes.

Ayon sa ulat ng Eastern Police District, dinala ang mga pasyente sa Medical City, Pasig City General Hospital, Tricity Medical Center at Rizal Medical Center at Polymedic General Hospital.

Sinabi naman ni Senator Richard Gordon, dinala na ng kaniyang medic team o Philippine Red Cross ang mga pasyente sa RMC.


Sa ulat, umabot ng dalawang libo ang mga bumisita sa kaarawan ni Imelda. Ang mga pasynete ay nagsusuka, nakaramdam ng pagkahilo at sakit ng tiyan.

Facebook Comments