27,672 contact tracers ang nakakalat ngayon sa NCR Plus para maghanap ng mga infected na indibidwal.
Ayon sa Department of Health (DOH), layon nito na maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga komunidad.
Sa ngayon, puspusan ang pagtutulungan ng DOH, National Task Force Against COVID-19 at ng Local Government Units (LGUs) para mapababa ang kaso ng impeksyon at maitaas ang hospital occupancies.
Nagkasundo rin sina Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na gumamit ng automatic contact tracing system sa pamamagitan ng text messaging.
Unang susuyurin ng contact tracers ngayong linggo ang Pasig City.
Facebook Comments