Nasa halos 200 mga alagang aso at pusa sa Brgy. IV ng Dagupan City ang nabakunahan ng programang hatid ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pakikipag-ugnayan sa City Veterinary Office na Free Anti-Rabies Vaccination na kasalukuyang umaarangkada sa mga bara-barangay sa nasabing lungsod.
Hindi lamang libreng bakuna ang handog ng ahensya dahil nagkakaroon din daw consultation muna sa mga alagang hayop na ipapabakuna.
Ayon naman sa panayam ng IFM Dagupan kay Brgy. Kagawad Jonathan Calimlim, wala rin kasong naitala ng mga nakagat ng aso o pusa dahil maigting nilang pinapaalala sa kanilang mga nasasakupan ang Republic Act 9842 o ang “Aso Mo, Itali Mo” law.
Inanyayahan din ni Kgwd. Calimlim ang ilan pang mga barangay sa Dagupan na makipag-ugnayan sa City Veterinary Office upang magkaroon ng din ng programang tulad nito na Free Anti-Rabies Vaccination activity na naglalayong maiwasan ang mga kaso ng rabies sa lungsod.
Samantala, paglilinaw ng City Veterinary Office OIC Dr. Daniel Garcia na wala namang requirements na kinakailangang dalhin ng mga interesadong pet owners na magpapabakuna, basta raw ang mga alagang aso at pusang dadalhin ay dapat three months older na at wala itong sipon o ubo kapag ipapabakuna. | ifmnews
Facebook Comments