HALOS 2K BRO-ED SCHOLARS, 300 TOBACCO FARMERS, TUMANGGAP NG TULONG

Nasa kabuuang 1,787 na mga mag-aaral ang tumanggap ng kanilang allowance habang mayroon namang 382 tobacco farmers ang tumanggap ng kanilang livelihood assistance sa mga bayan ng Cabatuan at San Mateo.

Pinangunahan ni Isabela Governor Rodito Albano III ang pamamahagi ng mga allowance at livelihood assistance sa mga benepisyaryo na ginanap sa mga community centers ng mga nabanggit na bayan noong Oktubre 26, 2022.

Mayroong 1,001 BRO-Ed scholars at 200 tobacco farmers ang pinagkalooban ng tulong sa San Mateo habang nasa 786 BRO-Ed scholars at 182 tobacco farmers sa Cabatuan.

Bukod sa tulong pinansyal, ang lahat din ng benepisyaryo ay binigyan pa ng tig-isang isang sakong bigas.

Kaugnay nito, hinikayat ng gobernador ang mga scholars na pag-igihin pa ang pag-aaral at tapusin ang kanilang edukasyon.

Samantala, sinabi pa ni Gobernador na sa susunod na taon nasa P30,000 pesos na ang matatanggap ng mga tobacco farmers kung saan higit itong malaki ng limang beses sa kasalukuyang nilang natatanggap na P6,000.

Facebook Comments