Paghahain ng returns at pagbabayad ng buwis, pinalawig pa ng BIR

85

Pinalawig pa ng Bureau of Internal Revenue ang paghahain ng returns at pagbayad sa buwis para sa mga taxpayer na nasa ECQ at MECQ areas.

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular No. 91-2021, pinalawig pa ang deadline hanggang unang linggo ng Septyembre.

Ayon kay BIR Commissioner Caesar Dulay, ginawa nila ito upang hindi mag-alala ang mga kababayan na hindi pa naaasikaso ang kanilang tungkulin bilang taxpayers.


Maaari namang magbayad ang mga taxpayer sa pinakamalapit na authorized agents banks, mga revenue collection officers at via online payment.

Facebook Comments