Umaabot sa halos dalawang libong katao ang apektado ng Bagyong Paeng sa buong Ilocos Region.
Ito ay kinabibilangan ng mga residente mula dito sa lalawigan ng Pangasinan at Ilocos Sur.
Sa tala na inilabas ng DSWD, 1,657 ang naitalang apektado sa dalawang lalawigan dahil sa nasabing bagyo.
Sa nasabing bilang, 479 na pamilya ang katumbas nito lung saan ay kinabibilangan ito ng dalawang siyudad at limang munisipalidad sa Pangasinan at katumbas ng dalawampu’t-isang barangay.
Apat na daan at isang pamilya o katumbas ng 136 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation centers sa Pangasinan kung saan ay wala namang naitalang namatay at nasugatan sa nasabing bagyo.
May halos 7 milyong pisong standby fund naman ang DSWD para sa mga apektadong residente sa Ilocos Region. |ifmnews
Facebook Comments