GOOD NEWS: LIMGAS NA AGUILAR 2022, ISINAGAWA SA BAYAN KASABAY NG KANILANG ANSAKKET FESTIVAL

Bilang parte ng pagdiriwang ng Ansakket Festival, isinagawa ang β€œLimgas na Aguilar 2022” noong ika-29 ng Oktubre sa Aguilar Multi-purpose Hall.
Naggagandahang mga kandidata ang rumampa bilang representante ng kani-kanilang barangay mula sa Bayan ng Aguilar.
Sa kabila ng mga kandidata na nagpaligsahan, itinanghal bilang namumukod tanging Limgas na Aguilar 2022, si Isabella Gamueda mula sa Barangay Bacbac.

Samantala, nasungkit naman ni Jonna Mae Riano ng Barangay Pogonsili ang first runner-up at Melani Frias ng Barangay Bocboc ang second runner-up.
Ang mga nanalo sa nasabing pageant ay ang magiging katuwang ng LGU Aguilar sa mga adbokasiya tungo sa pagpapaunlad ng kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments