Halos 3 milyong manggagawa sa small business sector, nakatanggap na ng ayuda

Umabot na sa halos tatlong milyong manggagawang nagtatrabaho sa mga maliliit na negosyo ang nakatanggap na ng COVID-19 emergency cash assistance mula sa pamahalaan.

Sa ika-sampung weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, ang Social Security System (SSS) ay nakapamahagi na ng financial aid sa 2.98 million mula sa 3.05 million approved beneficiaries.

Para sa unang tranche, ang pamahalaan ay nakapagpalabas na ng ₱23.7 billion sakop ang 2.87 million na manggagawa.


Ang ₱634.3 million ay para sa 114,302 employees sa ilalim ng second tranche.

Sa ilalim ng 51-billion pesos financial aid program, magbibigay ng 5,000 hanggang 8,000 pesos kada tranche sa bawat benepisyaryo depende sa minimum wage level sa kani-kanilang mga rehiyon.

Facebook Comments