Halos 30-K pasahero, dagsa na sa mga pantalan ngayong araw

Siyam na araw bago ang kapaskuhan, nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), kaninang umaga ay pumalo na sa 29,702 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 16,480 ang outbound passengers at nasa 13,222 naman ang inbound passengers.


Kaugnay nito ay nagtaas na ng alerto ang Coast guard simula kahapon, December 15.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 2,633 na tauhan sa labinlimang distrito nito.

Ininspeksyon din ng coast guard ang 1,574 na barko at 110 na motorbanca bago bumiyahe.

Mananatili ang heightened alert ng coast guard hanggang January 3, 2024 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong holiday season.

Facebook Comments