DALAWANG LINGGONG TIGIL PASADA NG GRUPONG MANIBELA, KINUMPIRMA

Kinumpirma sa IFM Dagupan ni Manibela Chairman Mar Valbuena na muli silang magsasagawa ng tigil pasada kaugnay sa pagtutol sa PuV Consolidation na programa ng pamahalaan.
Ayon kay Valbuena, magsisimula ang kanilang panibagong tigil pasada ngayong Lunes December 18 hanggang December 29.
Makakasama nila rito ang grupong PISTON na isa din sa mga transport group na hindi sang-ayon sa nasabing programa na unang tinawag na anti-poor.

Sa ngayon, umaasa pa rin aniya sila na pakikinggan ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang hinaing kaugnay dito.
Sa lalawigan ng Pangasinan ay mayroon Silang labing pitong mga lugar na may mga miyembro ng manibela. |ifmnews
Facebook Comments