Halos 30-M mga Filipino, fully vaccinated na!

Umakyat na sa 64.9 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 18.5 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, 38.64% ng target population sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.


Katumbas ito ng 29.8 million na mga Pilipino.

Nasa 749,424 naman ang naitalang daily jabs kahapon, November 8.

Sa Metro Manila naman, 90.35% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na o katumbas ng 8.8 million na mga Pilipino.

Habang 99.40% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.

Facebook Comments