Taguig – Nasa 279 na katao ang nadakip sa “one time big time” operation ng Taguig-PNP dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod.
Kabilang rito ang 114 na nahulong nag-iinom sa mga pampublikong lugar habang 11 ang nakuhanan ng iligal na droga.
Ilan pa sa mga naaresto ay lumabag sa curfew hours, paninigarilyo sa pampublikong lugar, walang damit pang-itaas at pagsusugal.
Idadaan muna sa counselling, seminar at community service ang mga naaresto bago pakawalan pero ang mga nahuli dahil sa droga ay diretso sa kulungan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments