Halos 300 na-stranded sa mga kabahayan sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela, nasagip ng Coast Guard

Umabot na sa 276 indibidwal na na-stranded sa kanilang mga bahay sa lalawigan ng Cagayan at Isabela ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang rescue operations ay isinagawa ng Coast Guard District North Eastern Luzon.

Sinabi naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Communications Goddes Hope Libiran na ipinag-utos ni PCG Commandant George Ursabia Jr. ang agarang pagpapadala ng karagdagang M35 truck, isang PCG hilux pick-up, at tatlong rubberboats sa lugar.


Mayroon ding Coast Guard helicopter ang idi-dispatch upang magsagawa ng aerial assessment at rescue operations sa Tuguegarao.

Tiniyak ni Libiran na patuloy ang search and rescue operations sa mga residenteng na-trap sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments