Halos 300 non-severe patients, isasailalim sa clinical trial para sa Tawa-Tawa bilang COVID treatment – DOST

Nasa 300 pasyente ang ilalahok sa randomized controlled clinical trial sa efficacy at safety ng Tawa-tawa bilang adjunctive treatment para sa mild hangang moderate COVID-19 patients.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, nasa 280 na pasyente ang target na isalang sa clinical trial.

Ang proyekto ay pangungunahan ni Dr. Philip Ian Padilla ng University of the Philippines (UP) Visayas at isasagawa ito sa loob ng 11 buwan.


Ang UP Visayas at Corazon Locsin Memorial Hospital ay lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa proyekto.

Ang Tawa-tawa ay kilala bilang supplement para sa dengue.

Facebook Comments