Nasa 2,700 empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang mawawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa abiso ng airline company, 35% ng kanilang workforce ang tatanggalin hanggang Disyembre ngayong taon.
Ang hakbang na ito ng PAL ay upang maka-survive ang kumpanya matapos na mabawasan ang mga pasahero dahil sa mga ipinatutupad na lockdown at travel ban abroad.
Kabilang sa maaapektuhan nito ay ang mga groun-based employees, piloto at mga flight attendants.
Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng mass lay-off ang PAL bunsod ng pandemya.
Facebook Comments