Halos 3,000 indibidwal, stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong ‘Agaton’

Umabot na sa halos 3,000 mga pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded sa mga pantalan sa ilang rehiyon sa bansa na apektado ng Bagyong Agaton.

Sa datos na inilabas ng Philippine Coast Guard, hanggang kaninang alas-4:00 ng madaling araw, nasa 2,973 ang bilang ng mga stranded kung saan pinakamarami o 1, 109 dito ay naitala sa mga pantalan sa Eastern Visayas.

503 naman sa Bicol Region; 780 sa North Eastern Mindanao; 347 sa Central Visayas; at 234 sa Western Visayas.


Stranded din ang nasa 1,387 na rolling cargoes, 29 vessels at isang motorbanca.

Mayroon ding 76 na mga barko at apat na motorbanca ang nakikisilong sa mga nabanggit pantalan.

Tiniyak naman ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu na mahigpit nilang babantayan ang posibleng overloading ng mga pasahero sakaling ibalik na ang biyahe patungo sa mga probinsya para sa Holy Week.

Facebook Comments