Halos 3,000 mga bata sa Muntinlupa City, tumanggap na ng first dose ng bakuna kontra COVID-19

Kinumpirma ng Muntinlupa City Health Office na umaabot na sa 2,687 na mga bata na may edad 5 hanggang 11 ang nabakunahan nila sa lungsod.

Pinakamarami sa mga batang nakatanggap na ng first dose ay mula sa Barangay Putatan.

101 naman sa naturang bilang ay mga bata na hindi nakatira sa Muntinlupa City.


Nanawagan naman si acting City Health Chief Dr. Juancho Bunyi sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak para maprotektahan laban sa COVID-19.

Samantala, sa pinakahuling tala, umaabot na lamang sa 74 ang aktibong kaso ng infection sa lungsod.

Facebook Comments