Presidential aspirant Senador Ping Lacson at vice presidential aspirant SP Tito Sotto, hindi dadalo sa debate ng SMNI TV Network

Hndi na rin dadalo sina presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson at vice presidential candidate Senate President Vicente Sotto III sa debate na inorganisa ng SMNI TV Network.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Lacson na malinaw na ang naging pag-endorso ng Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo Quiboloy sa napili nitong presidential at vice presidential candidate.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Sen. Lacson ang kanyang mga taga-suporta na huwag mawalan ng loob sa mga resultang inilalabas ng mga survey.


Paliwanag ni Lacson, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang kanilang mga taga-suporta kung hindi nila nakikita sa mga survey ang nararamdaman nilang suporta sa ground.

Giit ng senador, itutuloy nila ang laban para maliwanagan ang bansa sa paraang determinado, disente, seryoso at tapat.

Hindi aniya sila susuko para sa kapakanan ng bansa.

Facebook Comments