Monday, November 30, 2026

VP Sara Duterte, haharap sa kanyang impeachment trial sa December 4

Kinumpirma ng defense team ni Vice President Sara Duterte na haharap ito sa kanya mismong impeachment trial sa Senado, sa darating na December 4, Biyernes.

Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, naghain na sila ng pormal na manifestation sa impeachment court para ipresenta ang Bise.

Siya ay personal na tetestigo para sa alegasyon laban sa kanya patungkol sa unexplained wealth o ang kanyang umanong hindi maipaliwanag na yaman.

Nabatid na ito na lamang ang article of impeachment na natira na inakusa sa Bise matapos na i-withdraw ng prosekyusyon ang tatlong iba pa.

Facebook Comments