Mahigit isang buwan matapos manalasa ang Bagyong Odette, aabot sa 111,864 indibidwal o 29,485 na pamilya ang nananatili pa rin sa 900 evacuation centers sa anim na rehiyon.
Batay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), 900 evacuation center ang nanatiling bukas sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, at Caraga.
Nasa 11,661 pamilya o 39,673 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa kanilang kamag-anak sa Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga,
Sa kabuuan, umabot sa 2,507,503 na pamilya o 8,896,423 na indibidwal ang naapektuhan ng bagyo sa 9,003 barangay sa MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.
Aabot naman sa higit 1.5 na kabahayan ang nasira ng bagyo sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.
Sa nasabing bilang, 407,141 ang totally damaged habang 1,123679 ang bahagyang nasira.