Kaso ng COVID-19 sa hanay ng Filipino Community sa Russia, tumataas na rin

43

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Russia na marami na ring mga Pilipino doon ang nagkakasakit ng COVID-19.

Partikular aniya ang mga Pinoy sa Moscow na tinamaan ng Omicron variant.

Bunga nito, pinapayuhan ng Philippine Embassy ang Filipino community doon na iwasan munang lumabas at makipaghalubilo.


Kapag nakaranas naman ng kahit bahagyang sintomas ay agad na mag-isolate.

Kung tutungo ng mga palengke o pamilihan ay magsuot ng face mask, gloves at panatilihin ang social distancing.

Facebook Comments