Halos 300,000 tourism workers, fully vaccinated na

Umakyat na sa 288, 577 ang bilang ng tourism workers sa buong bansa na bakunado na laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Tourism Usec. Woodrow Maquiling Jr., na ang bilang na ito ay katumbas ng 89% mula sa target na 329, 000 tourism workers ng bansa.

Pinakamarami aniya sa mga bakunadong ito ay nagmula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at sa National Capital Region (NCR).


Isinusulong din aniya ng Department of Tourism (DOT) na maiangat ang bilang ng tourism workers na nakatanggap na ng booster shot, lalo’t ginagamit na quaratine at isolation facilities ang mga hotel.

Aniya, nasa 55% na ng hotel workers o 13, 500 ang nakatanggap na ng booster shot.

Patuloy rin aniya nilang pinalalakas ang kampanya sa pagbabakuna ng booster shot sa kanilang regional offices lalo na sa mga lugar na tumataas ang COVID cases.

Facebook Comments