Halos 300K Katao sa Isabela, ‘Fully Vaccinated’ na

Cauayan City, Isabela- Tinatayang aabot sa halos 300,000 na indibidwal sa Lalawigan ng Isabela ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19.

Sa tala ng Isabela Provincial Information Office kaugnay sa vaccination rollout sa Lalawigan, nasa 19.25 porsyento na o katumbas ng 299,953 katao ang naturukan na ng 2nd dose ng COVID-19 Vaccine sa probinsya.

Umaabot naman sa 616, 230 indibidwal o 39.55 porsyento sa Lalawigan na ang nabigyan na ng unang dose ng bakuna.


Sa 70% na target population na mabakunahan, nakapagbakuna na ang probinsya ng 57.41 porsyento.

Mula naman sa mga priority groups na nabakunahan, 99.8% sa A1, 74% sa A2, 97.2% sa A3, 128.2% sa A4 at 51.3% sa A5.

Sa Pediatric A3 naman, mayroon ng 4,386 sa mga ito ang nabakunahan, 53,689 sa Rest of Pediatric Population habang nasa 79,769 sa Rest of the Adult Population.

Maliban pa dito ang datos ng nabakunahan sa Santiago City.

Kaugnay nito, patuloy pa rin na hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang publiko na magpabakuna na rin kontra COVID-19 oras na mayroon nang skedyul sa lugar.

Facebook Comments