Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na 36,894 na mga eskwelahan ang apektado ng Bagyong Kristine.
Ayon sa DepEd, ito ay mula sa 179 school divisions at 15 rehiyon na dinaanan ng bagyo.
143 ring mga paaralan ang binaha at napinsala ng landslides.
Kinumpirma rin ng Education Department na 309 na mga paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers.
Sa ngayon, 223 naman ang mga silid-aralan ang napinsala ng Bagyong Kristine habang 415 ang partially damaged.
Halos 19-million naman na mga estudyante ang apektado ng bagyo at mahigit 765 na teaching at non-teaching personnel.
Pinakamatinding rehiyon na napinsala ng bagyo ang Bicol region, Quezon Province, at Visayas.
Facebook Comments