Saturday, April 4, 2026

PBBM, nagbabala sa mga negosyanteng mananamantala sa gitna ng krisis sa langis

Nagbabala si Ferdinand Marcos Jr. sa mga negosyante at traders na posibleng manamantala sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dahil sa tensyon sa Middle East.

Ayon sa pangulo, patuloy na mino-monitor ng pamahalaan ang galaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan upang matiyak na walang magsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon.

Mahigpit din aniya na ipinagbabawal ng batas ang hoarding at profiteering, kaya inaasahan ng gobyerno na magiging responsable ang mga negosyante sa pagpepresyo ng kanilang mga produkto.

Paliwanag ng pangulo, kapag may tensyon sa rehiyon ay agad na naaapektuhan ang suplay ng langis, lalo na kapag nagkakaproblema sa pagdaan ng mga barkong may kargang langis sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ng pangulo na may domino effect ito sa presyo ng kuryente at iba pang bilihin na umaabot hanggang sa mga pamilihan sa Pilipinas.

Facebook Comments