Umabot sa 36,854 ang nahuling lumabag sa minimum public health standards sa unang tatlong araw ng pagpapatupad ng granular lockdown at alert level system sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar, kalahati sa kanila ang binigyan lamang ng warning, 44% ang pinagmulta habang ang natitirang bilang ay dinala sa presinto ay kinasuhan dahil sa iba pang paglabag.
Aniya, sa halip na magsagawa ng checkpoint sa boundary, tinutukan ng mga pulis ang mga lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga tao.
Nabatid na 93 lugar mula sa 38 mga barangay sa anim na lungsod sa Kamaynilaan ang nakasailalim sa granular lockdown.
Nagsimula ang pilot implementation ng 5-level alert mechanism sa NCR noong September 16 na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, maaari pang palawigin ng dalawang linggo ang Alert Level 4 sa rehiyon kung magpapakita ito ng magandang resulta.