Nasa kabuuang 294 na mga klase sa paaralan ang nananatiling suspendido ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Betty sa ilang rehiyon sa bansa.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), partikular ang class suspensions sa Regions 1, 2, 3, MIMAROPA, Regions 5, 6, 7 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na nasa 94 na tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde rin ng pasok sa trabaho.
Ang suspensyon ng pasok sa eskwelahan at trabaho ay bunsod ng naranasang pagbaha ng mga nabanggit na rehiyon sa bansa kung saan ang mga paaralan ang pansamantalang tinutuluyan ng mga apektadong indibidwal.
Ayon pa sa NDRRMC, 1,815 pamilya o halos 6,000 indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation sa mga nabanggit na rehiyon.