Magnitude 4.9 na lindol, yumanig sa Infanta, Quezon; lindol, naramdaman din sa Metro Manila

Courtesy: PHIVOLCS-DOST

Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Quezon dakong alas-11:22 kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol 14 kilometers hilagang-silangan ng bayan ng Infanta.

May lalim itong limang kilometero at tectonic ang origin.


Naitala naman ang intensity II sa Makati, Quezon City, Maynila at San Juan.

Habang instrumental intensity V sa Polilio, Quezon.

Wala namang inaasahang danyos o aftershocks matapos ang lindol.

Facebook Comments