Pansamantala munang nananatili sa evacuation center ang halos 400 pamilya na nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Elias Aldana sa Las Piñas City.
Umabot sa ikaapat na alarma ang nasabing sunog at mabilis itong kumalat sa buong lugar.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Las Piñas, nasa 217 na kabahayan ang tinupok ng apoy o katumbas ng higit sa sang libong individual ang nawalan ng tirahan.
Nasa limang katao naman ang kinailangan ng atensyon medikal dahil sa nasugatan at ang ilan ay nagtamo ng 1st degreen burn na sina Angelin Bacus, 22 years old at Rebecca Danilo, 58 years old.
Sugatan naman sina Wenceslao Tolentino, 26 years old, Norlita Tegero, 55 years old at Jonniel Moya, 24 years old.
Sa ngayon, binista na ng alkalde mg lungsod na si Mayor Aguilar ang mga biktima para alamin ang kalagayan at kung ano ang mga pangangailangan ng bawat indibidwal.
Patuloy namang inaalam ng BFP ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng pinsalang sa ari-arian na tinupok ng apoy.