Halos 400 mga PNP personnel, nagpositibo sa drug test mula 2016 – PNP IAS

Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang halos 400 mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) mula nang magsimula ang gyera kontra droga ng pamahalaan.

Batay ito sa datos Internal Affairs Service (IAS).

Kabuuang 396 PNP personnel ang nagpositibo sa iligal na droga mula July 2016 hanggang September 30, 2019.


Sa bilang na ito 378 na mga kaso ang naresolba na at nasibak na sa serbisyo ang nagpositibong pulis.

5 ang namatay na bago madesisyunan ang kaso, 8 kaso naman ng non-uniformed personnel ang naipinasa na sa Directorate for Investigation and Detective Management habang ang natitirang 5 kaso ay nananatiling pending.

Facebook Comments