Estudyante nahulihan ng marijuana sa Oplan Sita sa Pangasinan

Nahulihan ang isang estudyante ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa Oplan Sita ng otoridad sa Brgy. San Roque San Nicolas Pangasinan.
Sa report ng PNP San Nicolas, hinarang ng pulis ang suspek na si Emil Fernandez, 19 anyos para sa lisensya nito at papeles ng kaniyang motor na gamit ngunit wala itong naipakita sa pulisya.
Nang maramdaman ng personnel ng PNP na ito ay kinakabahan tinignan na rin ang laman ng bag nito at doon na tumambad ang hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.
Naiturn over na sa PNP Crime Laboratory ang mga nakuha kay Fernandez. Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng suspek.
###

Facebook Comments