Halos 400 motorista sa NCR, natiketan dahil sa paglabag sa batas-trapiko simula June 1

Halos 400 motorista ang natiketan dahil sa paglabag sa batas-trapiko simula nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) noong June 1.

Ayon kay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) NCR Director Police Colonel Wilson Doromal, karamihan sa mga paglabag ay dahil sa paggamit ng maling lane.

Marami ring plate number, blinkers at unauthorized gadgets sa mga sasakyan ng mga nagpapanggap na frontliners ang nakumpiska ng mga awtoridad simula noong Marso.


Samantala, ayon kay Doromal, nananatiling mabilis ang daloy ng trapiko sa EDSA sa kabila ng dumaraming bilang ng mga sasakyang pinayagang lumabas sa ilalim ng GCQ.

Facebook Comments