Umakyat na sa 382 na mga pulis ang nasibak sa serbisyo sa buong bansa mula taong 2016.
Ito ay dahil napatunayang gumagamit ng iligal na droga.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ginagawa nila ang regular na drug testing sa kanilang hanay at agad na sinasampahan ng mga kaso ang mga nagpopositibo.
Samantala, maliban sa 382 na nasibak, hinihintay pa ang resolusyon sa 39.
Batay naman sa datos ng PNP Crime Laboratory para sa taong 2020, umabot na sa 173,133 random drug tests na ang kanilang nagawa.
Sa bilang na ito, tatlong PNP personnel na kinabibilangan ng graduating police cadet, isang pulis at isang non-uniformed personnel ang nagpositibo sa droga.
Facebook Comments